Sunday, August 28, 2005 @6:09 AM
walang masama sa pag-care para sa ibang tao. minsan lang, nakakalimutan na natin na hindi tayo ang magdedesisyon para sa kanila. kahit ano pang gawin natin, andito lang tayo para tumulong mag-guide, at sumuporta. sila parin ang magdedesisyon para sa sarili,sila parin ang nakakaalam kung ano ang tama para sa kanila, at sila ang nakakaalam ng limitasyon nila. hindi naman siguro tama na pati yung mga bagay na sobrang personal na ay pinapakialaman pa.may kilala ako na sumobra na yata sa pagiging "concerned" at nagmumuka na tuloy pangingialam, kahit hindi naman talaga yun ang intention nung tao. oo, naiintindihan ko na maganda ang totoong dahilan nya, at ayaw lang niyang mapasama ako.. pero did it ever occur to that person na MEDYO sobra na yung ginagawa nya? wala na syang tiwala sa mga tao sa paligid nya. parang lahat ng galaw mo, bibigyan ng masamang ibig sabihin. hindi pa marunong makinig sa explanations! napaka close-minded!! nakakainis na. tapos the person expects na magtiwala kami sa kanya? pano mangyayari yun, eh sya nga hindi marunong magtiwala?! hhaaaaay nkooo..siguro ganito lang talaga ang mga matatanda ngayon. akala nila na we will make the same mistakes THEY did. sorry ah,pero wag nyo kaming igaya sa inyo. parang walang point itong mga pinaggagawa ko ngayon.. wala lang, i just felt that i need to get this out of my system. napupuno na rin kasi ako.hindi lang naman mga adults ang may "concern" sa buhay namin. sa palagay nyo ba, kami walang pakialam sa nangyayari sa sarili namin? siguro aakalain nyo wala dahil ayaw lang namin ipahalata sa inyo. madalas rin naman kasi pag nagsasabi kami ng thoughts namin tungkol sa mga bagay-bagay, kokontrahin nyo lang kami at sasabihin na wala pa kaming alam sa mundo. so malamang maiisip namin, what's the point of talking to you kung sasabihin nyo lang din ay ganun?goodness, kung saan saan na nakakarating ang pinagsusulat ko.. basta yan ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon..ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit magulo ang mundo ngayon. lahat tayo ay naghahanap ng makakaintindi sa atin, kaya nagkakaroon ng iba-ibang mga views kung aling ang tama at mali. mahirap malaman kung alin nga ang tama, at nagbabago yun depende sa sitwasyon at sa taong involved. dapat lang natin isipin na tayo ang gagawa, at tayo lang ang nakakakilala sa sarili natin, kaya wag nating iasa at ipaubaya sa iba ang paggawa ng kwento ng buhay natin.naks!
written on every page of my imagination
Friday, August 26, 2005 @5:25 AM
haha.. ang saya.. at last gumawa na ko ng blog ko..
at ito ay isang malaking experiment.
haha..
written on every page of my imagination