Monday, October 10, 2005 @1:05 AM
grabe.. hanggang ngayon hindi ko parin naiisip kung anong dapat kong gawin.
may hindi magandang nangyayari kasi sa aming magkakaibigan e. anlabo. angulo.
feel ko nga hindi ko to dapat nilalagay dito.. kaya lang wala na nman akong outlet eh. well, hindi nman sa wala na.. pero parang ganun na rin.. o diba, sabi ko anlabo e.
kasi si jnine badtrip samen ngayon. at hindi ko alam ang dahilan. si lorie badtrip din sa kanya. ako din nabadtrip. pero ayoko na mabadtrip kasi wala lang mangyayari kung makikisabay pa ako..
nagsimula yan nung biglang nagfreak-out si jnine sa may canteen. as in sobrang out of the blue. sobrang hindi namin alam kung saan nanggaling yung ganung outburst nya. may sinabi sya kay kamil, kya nagwalk-out si kamil. tapos ako lumabas din kasi nairita ako sa kanilang dalawa. pero..aminado ko. mas nainis ako kay jnine nun. kasi naman, bigla na lang syang sasabog nang ganun. hay. kaya nga lumabas na lang ako para hindi ako makisabay sa pagsabog nila.. tapos, nung bumalik na ko kasi nakahinga na ko, pati si lorie, sabog na din. kasi daw dinabog ni jnine yung upuan tas sinabi ng malakas "badtrip!" ng paulit-ulit. eh malamang si lorie yun. ibang level. eh hindi na din nakapagpigil. sinabihan nya daw si jnine na, "anong problema mo jnine?!" tapos ewan ko na kung anong sinabi or kung sumagot ba sya. nakalimutan ko na eh. tapos, ayun. naging ok na si kamil tas medyo kinakausap ko na ulit si jnine. si lorie hindi paren. malamang. tapos, nung hapon na, ok na kami ni jnine. tinawag nya na nga ulit akong 'inay' eh.
kinabukasan, mass. kumanta kami nila kamil at lorie. si jnine late dumating at hindi nag-mass. tapos akala ko nga ayos na. tapos nung nagkasalubong kami, kinausap nya pa nga ko eh. tapos e di kala ko nga tapos na. bigla na lang sabi nya na nman "badtrip". hindi ko na talaga maintindihan.
anlabo talaga sobra.
tapos nung mga lunch na, si kayla nasa may classroom namin. e galing sila jnine at kamil sa debate. tas nung tinawag ni kayla si jnine, tinalikuran nya lang at dumiretso lang. shet. nairita ko dun. parang gusto kong sabihin, " ano ba na naman problema mo? ngayon, pati ba naman si kayla?!"--kaya lang hindi ko nasabi, kasi feel ko iskandalo. at ayoko nun.
AMPANGET NAMAN KASI KUNG I-BROADCAST SA LAHAT ANG NANGYAYARI SA BARKADA DIBA?!! LALO NA SA MGA TAONG HINDI NAMAN KUNEKTADO.
Isa rin yun sa mga hindi ko maintindihan e. ayus pa siguro kay churo. amor. timo. pero kay JP?! oo, anak ko din sya, pero.. duh. siguro naman dapat hindi na diba? tapos nung hapon ng friday, mga EDISON 4 naman!! shet. kainis talaga.
punyeta. hindi ko na maintindihan.
tinanong ko kay churo kung ano bang dahilan bakit galit si jnine sa amin. sabi ni churo, hindi naman daw sya galit sakin. nung nalaman ko yun, nakonsensya pa ko dahil nainis ako sa kanya eh hindi naman pala sya galit saken. pero. wala na kong magagawa. nainis na ko.
tapos sabi ni churo, HINDI DAW NAMIN KASI SYA INAAPRECIATE.
napaisip ako. ano bang klaseng "APPRECIATION" ang gusto nya? ano ba ang "APPRECIATION" ? e hindi naman namin sya ino-o.p. mas naiiwan nga si lorie lately e. tas nararamdaman nyang HINDI sya appreciated?!
anlabo talaga.
hirap talaga intindihin ng mga hindi maintindihan.
kaya lang hindi naman pwedeng hindi intindihin kasi kaya nga KAIBIGAN e.
diba?
kagabi, tinext ko si amor. sabi ko hindi ko na talaga alam gagawin ko. gusto kong mainis dahil naiinis talaga ako dahil hindi ko alam bakit bigla syang nagkaganun, eh sobrang ayos nga lately. shet. naiinis na talaga ko. dahil gusto ko mainis at magalit. kaya lang alam kong mas lalo lang ako magpapagulo sa sitwasyon at walang mangyayari kung makikisabay pa ako sa kanila. sabi ni amor, oo nga namn daw. sabi nga daw ni churo, nasa pride na daw namin yun.
sige. hindi na ako galit. hindi na ko inis. tinext ko na nga syang magkatabi kami sa fieldtrip at excited na ko. tapos ang cold ng reply. sobrang saya ng message ko tas ang isasagot, hindi pa nga daw sya bayad. shet. kaka-frustrate na.
sabi pa ni churo, isa pa daw sa mga "nararamdaman" ni jnine, pag nagkkwento daw sya, NR kami. E ANO BANG DAPAT?!! yung todo react? ano ba?!
hindi nga.
ano ba dapat?
E KASI NAMAN. SANA MADALING NAAYOS TO KUNG DIRETSO SA AMIN NA SINASABI DIBA? O KAYA I-EXPLAIN MAN LANG PARA NAMAN HINDI AKO [kami] NANGANGAPA SA KUNG ANONG GAGAWIN.
ako alam kong kaya ko magpigil .kahit pano. dapat nga hindi na ko naiinis. AT HINDI MAHIRAP PARA SAKIN ANG MAG SORRY.
MADALI LANG AKONG MAG-SORRY.
AT MARUNONG AKO MAKIPAG-COMPROMISE.
oh, well. hindi na ako naiinis.
hindi na sa mga taong involved.
naiinis ako dahil hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. at hindi ko alam ang dahilan ng mga nagyayari.
shet.
tama na nga muna.
andaming pumapasok sa isip ko.
naguguluhan na talaga ako.
hay.