Tuesday, February 14, 2006 @3:24 AM
konting araw pa lang ang natapos, andami nang nagbago sa earth ko. at ayus na yun. at least ngayon, ako at yung mga kaibigan ko, hindi na ganun kalungkot sa mga earth. haha
valentine's day nga pala ngayon. nakoo, tamang ka-anuhan na naman nito ang mga tao..oh well. wala namang bago. haha
---
nung friday last week, sobrang daming nangyari. grabe! goodness, pag naaalala ko, nawiwindang parin ako! grabe talaga, hindi ko nga din inakala na magagwa ko yun eh. haha. pero ayus lang, plus 2 din yun. e di ayun, umuwi ako galing sa mush pit ng sobrang ang bilis ng ikot ng earth ko at sobrang tumatalon yung heart ko. grabe naman kasi yuneh. it was so not me. haha.
tapos, nung saturday, may theatre kami. syempre si lorie kasama ko. ayun, kami na naman dalawa ang bumili ng mga pagkain nung mga third year sa mcdo. haha. nakakainis nga lang dun kasi nagkamali ako ng order, napagbayad pa tuloy ako. haha. oh well. nakakaaliw pa pala nun kasi tinuruan kami ni sir mallari mag make-up. kasi nga diba make-up committee kami. tapos tinuruan nya kami ng ibaibang style ng paglagay ng eye makeup. joyful. haha.
nung hapon na pauwi na kami ni lorie, syempre napagusapan ulit yung nangyari the previous night. syempre hindi parin ako maka get-over sa nangyari kasi nga hanggang nung time na yun, hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko yun. nakakahiya talaga. ayun nga. tapos, may sinabi sa akin si lorie na sobrang sobrang sikreto na tungkol kay dots. tapos nung nalaman ko, grabe nagulat talaga ako! alam mo yun.. tumalon yung heart ko tas biglang sumakit. haha. weird noh? pero ganun. tapos dun ko narealize na ayoko na talaga kasi hindi .. wait. basta ayoko na. masyado nang madaming reasons, and i think they're enough to justify my decision.
dahil nga dun, excited na ako magmonday. kasi nga nagdesisyon ako na pagdating nga monday, ERASE na talaga lahat. well syempre hidi naman yun ganun kadali, at hindi gnun ka-instant. pero, as ive said before, natututo na ako nung mind over matter thing, lalo pagdating sa mga ganung bagay. kaya alam ko na eventually kakayanin din ng powers ko. haha.
---
kahapon, ok naman yung araw. masaya naman ako dun sa madaming parts nung araw. tawanan pa nga kami nang tawanan eh. nag open forum pa pala ang mga dyosa..ayun,syempre naiyak ako. hehe. pero at least naayos na namin ang mga issues. tapos nun, ayun tawa na naman kami. haha. tapos, nung mga after lunch, natest ang aking bagong ultimatum sa aking sarili. syempre hindi naman maiiwasan si dots diba. ayun. nung nagkakakanta kami, kumakanta din sya. yung kanta na sila-sila din yung nagcompose. tapos ayun, nanlandi na naman ang dots. alam mo yun.. ganito, yung habang kumakanta, tinuro nya ako with his palm. [hindi ako makahanap ng exact words para madescribe eh, pero ganun.] at ginawa nya pa yun ng dalaeng beses!! WHAT THE FART. grabe talaga!! eh di tinaasan ko sya ng kilay tapos nagreact din sya. alam mo yung tingin na parang sinasabi, "bakit? anung ginawa ko?" parang ganun. nakakairita noh? sobra. pero after ilang minuto, ok na ulit ako. kunwari walang nangyari. galing talaga. haha.
nung hapon, nagdots kami. joyful joyful talaga. well, supposed to be. i was my usual self sa dota. ako yung pinaka mababa. pero ok lang, masaya naman eh. kaso. nung mga later part, sobrang bumigat at sumakit yung heart ko. sobra. at hindi ka alam yung dahilan. sonra talaga yung feeling na yun kahapon. hhhay. sa sobrang kawalan nga ng energy, hindi na ako nakabili ng lollipop para sa mga ibang dyosa na hindi ko pa nabigyan eh. well at least naamoy ko na ulit si bart. haha. at nakakatwa pa silang dalawa ni fidel kaya kahi pano natawa-tawa naman ako.
ayun.
---
ayan. ngayon kailangan ipagpatuloy ko lang yung nasimulan ko kahapon. kaya ng powers ko to.
written on every page of my imagination