<body> <body>

Thursday, February 09, 2006 @12:50 AM

grabe. kinailangan ko talaga magblog ngayon. grabe. andami daming nangyari today. WOW. nakaka overwhelm. shet.

hindi ko na nga alam kung saan ako maguumpisa eh. andami na kasitalaga.. haaaaaaaaaaayyyy... nakakaiyak na.

alam ko hindi rin naman tama na problemahin ko problema ng mga iba dahil hindi ko nga naman problema yun, kaso friends ko yun eh. duh. fart.

una, sobrang sobrang nag-aalala na talaga ako sa isa kong kaibigan.. feel nya talaga wala nang nagcacare sa kanya. gago kasi yung si alex eh. peste ang gulo kausap! ayan tuloy. tas hindi na din sya yung tang dati na sobrang masayahin.. dati nga sya pa nagsasbi saken, " niki, ur so pessimistic! wag ka nga ganyan.." ngayon i miss that girl sobra. hay. nakakalungkot. ngayon kung anu ano na pumapasok sa isip nya gawin.. hindi ko naman alam kung pano sasabihin sa kanya na wag, kasi ayaw nya ng sinasaway.. ayaw nya na sabihin; "wag mo yan gawin kasi masama yan" ..gusto nya yung way ng pagsaway sa kanya yung parang concerned sa kanya.. kaso hindi ko talaga maisip kung pano ko yun gagawin eh..eh kaya ko nga sinusubukang pigilan sya kasi concerned ako.. hhayy. ang hirp iexplain.. kaso hindi ko talaga alam pano. ayoko naman magalit sya saken. hay grabe. wala na ako maisip..

yung isa ko namang kaibigan, feels so alone.. at hindi ko din alam kung pano sasabihin sa kanya na hindi naman, kasi andito naman kami.. alamu yung feeling na parang kahit sabihin mo yun, it still won't help? and it pains me so much to know that i cant help. grabe. ayoko kasi talaga ng nakikita silang ganun.. feeling na tuloy ng mga kaibigan ko, hindi sila loved.. ganun.. hhay nmaaaan... hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.. and they call me "inay" tapos ngayon wala talaga akong magawa..

ngayon nagiguilty pa ako kasi feel ko nakadagdag ako sa nagpapalungkot sa isa ko pang kaibigan. shit naman. hindi ko talaga sinasadya.i'm really really sorry. kasi yun lang yung isa sa mga konting bagay na nagpapasaya sa earth ko, hindi ko naman inakala na makakahurt pala. sorry talaga grabe. hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko..

pag ganito pa naman, feeling ko talaga wala na akong alam. parang tumigil na yung utak ko kasi hindi na nya maprocess yung mga bagay.. sobrang hina ko pag ganito.. i feel so vulnerable. hay.

ayoko talaga ng ganito eh. hindi na nman ako matitigil sa kakaisip. fart. ayoko pag nagsasabay sabay ang mga nangyayari.. hindi ko talaga kinakaya.. tapos pag wala na talaga ako magawa, tas feeling ko ang hopeless na, maiiyak na lang ako tapos malamang wala pa din mangyayari. basta!

ayoko na talaga ng ganitong feeling. ang sakit sa heart. ayoko talaga ng malungkot sila. grabe. lalo yung mga taong usually jolly at sila yung mga nagpapatawa... tapos ngayon pati sila nakikita ko na din na nalulungkot. grabe. ang sakit talaga sa heart. hindi ako sanay. hay.

ayoko na muna. ayoko na muna magisip. pwede bang tumigil muna ang earth while i try to process all of these and try to solve them?.. tapos pag natapos na, saka na ulit iikot ang earth?.. o kaya, pwede kayang isa-isa lang.. wag naman sana yung sabay sabay. ang hirap talaga eh. sobrang nanghihina talaga ako pag ganito. hhay.

wala na akong masabi. my eyes are wet and i cant see clearly.

written on every page of my imagination

& PROFILE

I'm trusting. Sue me.

Before I grew up I saw you on a cloud I could bless myself in your name and patch you on my wings "Life is hard and so is love, child, believe in all these things"

& CHANNELS OF LOVE

Phimie
Janica
Kayla
Kamille
Cynthia
Kai
Gret
Aljon

& ARCHIVES

August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
May 2007


& ARTICULATE



& CREDITS

this layout was done by jeanette. Fonts were from dafont and image from threadless. pls do not take out the credits. (: