<body> <body>

Tuesday, March 28, 2006 @11:08 PM

malapit na talaga ang grad. todo dama ko na. fart.
kanina, basaan dapat. ang dami ko ngang dala eh. tapos ayun, umaga pa lang, nagbihis na kaming anyting at lumabas. grabe, todo irita pa nga ako kanina eh! biruin mo naman ksai, ang sabi, puntang UP. fart, sa tronics dumiretso!! goodness! hindi din nman masyado adik no? kairita talaga. pero oh well. syempre, as if naman kaya ng powers ko na magalit for real diba? hehe. ayu, tapos nun, lydia's. kami nman, halo-halo sa tapat ng lydia's. haha. grabe, ang saya saya ng anyting!!
aun, hapon na. sabi nila, 1 daw ang star ng basaan. eh di kami, mga todo excited ever, nagbihis na and all. todo prepared talaga kami eh. haha. tapos ayun. binuhusan ni bart si kamil, at doon na nagumpisa ang basaan namin. ayun, nagbuhusan na, at ang saya saya ng feeling. haha! tapos, pinatigil na pala. jologs talaga. whatev. ayun, pinatawag kami ni sir madriaga, at syempre, sinermonan kami. haha. who freakin cares? nagenjoy kami. yun yung importante dun. haha! tapos, as punishment, banned daw kami sa quesci simula april 1. un. haha. what the fart?? haha! hindi ba nila dama kung gano kating-kati na kami makaalis sa lugar na yun? grabe. yung ginawa naming basaan was sooo worth it. haha! ^_^
tapos, bahay ni bart. ayun, nagtutugan at nagkantahan. saya. hehe. ^_^
yun.
---- sa mga innermost emotions ko naman,
si * malamang, todo take my breath away na naman ako.. haha! nakakalusaw talaga!!! faaaaart!!!! hindi kinakaya ng powers ko!! tapos, nung mageend na yung araw, biglang may ganun! anu ba ito?? wahahahahah!!!! nababaliw ako!! haha!!!
si $ nmn, syempre, dakilang aso pa din. waha! ang bitch ko!! haha!! whatev, dontcare. haha. bakit ba? blog ko to. haha.
grabe, napapraning akooooo!!!!!! there's this freakin web inside my head, at parang lahat ng mga lines dun sa web na yun, isa lang ang pinupuntahan! nakakapagood!!!!
pero oh well. ganun lang siguro talaga. whatev.
------
my goodness.. nakakabaliw ang mga earth ko ngayon.. ang gulo talaga. haha! pero kahit papano, marunong na ako magtago ng sikreto. haha. im proud. haha.
-----------
wait. seryoso. anu kaya dapat ko gawin? hmm.. dapat que cera cera nalang talaga siguro. haha. bhala na.
oh fart!! clearance ko pa pala! pati yung wings ko!! saan nman kaya ako makakahanap nun? gosh. oh well. hehe
grabe, ang gulo na naman ng entry ko. hala bang lutang ako ngayon? haha. sobrang lutang talaga ako eh. haha. praning. haha.
ewaaan!!!
----
sana naman bukas masaya ang araw. at sana hindi masyadong mainit. at sana madala ko yung sunblock. haha.
-----
please send me anything but signals that are mixed

written on every page of my imagination

Friday, March 24, 2006 @10:10 PM

ayan, pinalitan ko yung tunog.. wala lang. hehe. gusto ko si kenny g eh. kung ayaw nyo yung type ng music, wag nyo nalang pakinggan ah. hehe pero papalitan ko din yan ulit pag nagsawa na ako. haha.

hmm. ngayon, andaming nangyayari, at hindi ko na naman alam kung saan maguumpisa. basta, sobrang thankful ako na sobrang close naming magkakaibigan, at sobrang mahal namin kaming lahat. haha. hhay grabe, konting panahon nalang talaga. pero sabi nga nung isa kong kaibigan, wag na muna daw masyado isipin ang future. itreasure nalang daw muna ang present. haha. tama nga naman.

"do not look back and grieve over the past, for it is gone; and do not be troubled about the future, for it has not yet come. Live in the present, and make it so beautiful that it will be worth remembering."

-one tree hill

haha.

sobrang speechless pa ako ngayon eh. haha. saka nalang siguro ulit.

written on every page of my imagination

Sunday, March 19, 2006 @12:56 AM

happy birthday val! ^_^
---

dahil blog ko naman ito at walang pwedeng makialam kung anung ilalagay ko dito, i'll write what i want to. haha.

sa ngayon, masaya naman ako. haha. grabe, nung thursday at friday, sobrang sasayang araw! hhay. grabe. ^_^

malapit na graduation kaya todo bonding kami ng mga sobrang mahal kong kaibigan. lahat ng pwedeng gawin para lang magsamasama kami, ginagawa namin. hhay. twing napagusapan talaga yung end ng high school, nanghihina ako. wala akong masabi talaga.. pero ang gusto ko lang talaga itodo lahat ng natitirang moment. =) hhay.

speaking of moment, ang saya talaga nung ultimate moment ko this week! ^_^ hhay nakakalusaw. ok, hindi naman siguro masyado kasi alam kong wala lang yun dun sa tao, pero nakakatouch talaga eh ^_^ . well, kaya nya siguro yun ginawa kasi nga maaga pa nman at hindi nga daw sya sanay na umuwi ng maaga. haha. whatev. basta, nakakatuwa eh. ^_^ hhay. hindi ko talaga inaasahan yun kasi it's not like him. pero, yeah, mabait sya and all, pero hindi naman kasi normal na ginawa nya yun para sa akin eh. that's what made it super kilig.^_^
hhaaaay. tapos, isang araw kinuha nya kamay ko tas todo hinawakan nya with both of his hands at nilapit nya pa sa muka nya!! gooosshh!!! hhay grabe! hindi ko to kinakaya!!! ^_^ hhay ewan.

ayoko lang ng masyadong iniisip kasi nga.. ayoko magisip at ayoko maapektuhan.

please send me anything but signals that are mixed.

^_^

kanina, i watched the eternal sunshine of the spotless minds. grabe, naalala ko si sir armamento! =) kinwento nya na kasi yun nung third year eh. nakakamiss. pati si miss erpelo nakakamiss na din sobra.. anyway, there was this scene that really got my attention because it sort of was about the end of stuff. and i related it to what we are all feeling right now that we only have a few days left before quesci life's over.

"this is it. it's gonna be gone soon. what do we do?" -Clementine

"ENJOY it." -Joel

ayan. and i thought, that's what i should do. i-enjoy na lang lahat ng pwedeng ienjoy. =)

--
kahapon nga pala yung celebration ng birthday ni timo. ang saya. =) nagluto sila ng spaghetti at gumawa sila [ timo, alfredo, airon, fidel] ng salad. ang cute no? mga boys pero they know how to cook. =) tapos i fried the chicken. ang saya talaga. kumain kami ng madaming hilaw na mangga kasi may mango tree sa backyard nila timo. may duyan pa nga eh. syempre nagduyan ako. haha. tapos meron pa dun yung parang cannon thing..basta si timo lang gumawa nun eh. tapos ang saya kasi i got to fire it, and i felt so strong kasi it made this super loud sound. haha. tapos nilagyan pa namin ng maliliit na mangga yun para may scatter shot. haha ^_^ tapos tinry pa namin tamaan yung can, kaso hindi namin kinaya eh. pero oh well. enjoy parin. =) tapos nagpiko pa kami ni jnine.. basta ang dami dami naming ginawa at sobrang saya ng araw. syempre hindi din mawawala yung dota.^_^ grabe, pag naaalala ko yung mga nangyari kahapon, sobrang nasisiyahan ako. ang saya talaga eh. at nilalagnat pa ko nun ah! haha ^_^

pero, nung umalis ako, sobrang bitin talaga yung feeling. ang aga kasi eh. mga 4:30 pa lang umuwi na ako. akala ko kasi papagalitan na ako eh. eh hindi naman pala. syang talaga. kung nagstay pa sana ako, baka ano. haha! ^_^ hehe

hhay. thank goodness naman at magaling na ako ngayon. sana magaling na din sila jnine at lorie.. ang weird nga kasi pare-pareho yung nangyari sa aming tatlo eh. una, sumakit lalamunan namin, tas nilagnat, tapos inubo. weird. pero at least mas ok na kami ngayon.

namimiss ko na pala inay ko [si jed]. kasi medyo hindi sya masyado pumasok last week, tapos hindi pa namin sya masyado nakasama kahapon. tapos ung dota, andun pa sya sa lumang tronics eh kami nasa bagong tronics. hhay. parang ang tamlay nga ng inay ko kahapon eh.. hhay.

ai, speaking of tronics, ang BULOK nung mga computer! todo lag! my goodness!!!! nung thursday nga naiyak pa ako kasi sobrang tagal na namin dun, hindi kami makapagsimula at sobrang ilang ulit na at sooobraang nakakafrustrate na. pero eventually nakapaglaro na din kami. ayun, masaya na ulit. ang cute ng team namin eh. si airon, aljon, pimi, at ako.^_^ kasi pag sinabi gitna lahat, lahat talaga. makikita mo sa map yung blue dots papunta sa iisang direction. ^_^ ang cute talaga. ^_^ kaso minsan lang nakakahiya kasi bano ako, at pag nakikita ko ako yung pinaka madaming na-contribute na deaths. haha. buti na lang my teammates are sooo nice, hindi nila pinapafeel sa akin. sasabihin lang nila, "ano ka ba niki, ayus lang yan" o kaya, "anu ka ba niki, hindi kaya." haha. thank goodness for dota. ^_^

--
ang saya ng buhay. pero mas sasaya buhay ko pag nagkaron na ako ng saxophone at natuto tumugtog.=) hopefully magawa ko bago ako mamatay. haha! ^_^


i'm loooooving my freakin life.


written on every page of my imagination

Thursday, March 16, 2006 @7:59 AM

hindi ko na naman alam kung saan maguumpisa.

well, first off, may BEST FRIEND na ako!!! ^_^
pangalan nya, Jeannine Teves. actually, dipende yan sa titingin eh.. pwedeng sabihin na third year lang kami naging magkaibigan, or pwede din, third year pa lang, magkaibigan na kami. =) basta, whatever! wla lang, narealize ko lang na kay jnine ako pinaka comfortable..tapos ayun mga kaewanan namin. haha.
wla lang. ang tagal ko din hinanap yung bestfriend ko.
it feels so freakin good. ^_^


---

ngayon sobrang nalilito ako.

PLEASE SEND ME ANYTHING BUT SIGNALS THAT ARE MIXED

holy fart.
pero ang saya ng araw ko ngayon ah. haha! hindi ako yung usual bano self ko sa dota. haha. nakakakilig lang kasi napatay ko si clinkz knina. haha.ayun.

---


birthday ni timo ngayon!! ^_^
aun.

at celebration ng birthday nya bukas. sana payagan ako. haha

goodness, ang incoherent ng entry ko ngayon.. whatever na lang. basta ang saya ng araw. ^_^

written on every page of my imagination

Thursday, March 09, 2006 @1:32 AM

kaya nobela ang naisip kong title nito kasi.. madami na ang nangyari na hindi ko nakkwento. hehe.
anyway.
---
PROM 24 february 2006
FANGET!!!!!!!! ampapanget ng songs, ng food,at hindi ko talaga matanggap, ampanget nung baso namin! magosh! as in yung regular na glass lang. ampanget talaga. tapos tinanong ko yung waiter person, sabi ko "bakit po wala kami nung magandang glass?" sabi nya, " naubusan eh." wow. faaart talaga yun. nakakainiis!!! tapos todo excited pa ako magdinner nun kasi ang sarap ng pagkain nung prom namin last year, kaya syempre nagexpect ako ng ganun din. kaso hindi eh. the freakin food was soooo far from those that we had last year. shucks. napaka ordinaryo, my goodness! chicken, spareribs, fish fillet,a potato salad. lasang sabon pa yung iced tea tapos naubusan pa ng yelo!! akalain mo??! anak ng tokwa, mas masarap pa pagkain dito sa bahay! grabe talaga. eto pa. later nung gabi, naglabas ng spaghetti. dapat hindi na ako kakain kaso gutom nga ako dahil hindi ko natapos dinner ko kasi nga amPANGET nung pagkain. tapos naisip ko pa, baka ma-redeem nila sarili nila dahil baka nga naman spaghetti or whatever pasta ang kanilang specialty [or baka yun lang talaga ang alam nila lutuin ng matino]. pero hindi parin eh. GRABE. lasang ketchup na ewan. magosh tlgaaaa... tapos eto. cueshe??!!! UTANG NA LOOB!!!!!!!! todo ruin na yung gabi ko.
well buti na lang ang gwapo nung taong niwish kong maging gwapo. hehe. grabe, hanggang ngayon nata-take my breath away parin ako pag naaalala ko itsura nung tao na yun! hhhay. ^_^ hhhaaay.
---
nung week ng prefinals
hay nako. grabe yun! first day ng prefinals, lumabas result ng UPCAT. syempre todo excited na kami makaalis para magpuntang UP. at magdota syempre. hehe. pero UP muna. aun. may mga umiyak, madaming nagulat. basta.
second day. nako. tumalon heart ko dun ah. ang saya nitong araw na to eh. hhay. unang session sa bahay nila yupemini. nako. nalulusaw ako pag naaalala ko eh. haha. grabe talaga. kung anuano nabuking sa mga tao..at sa pagkaka-alala ko,ako ata nagumpisa nun e. haha. pero nagshut up naman ako nung nafeel kong dpat na ko manahimik eh. tapos, ayun. nako. tumatalon talaga heart ko pag naaalala ko! goodness!
tama na nga.
third day. second session kila yupemini ulit. una, nanood kami ng movies. yung una yung road to perdition. nakkaiyak. ang sakit sa heart nung movie na yun.. tapos nun yung white noise. nakakainis nga sila nun kasi ginugulat pa nila ako.hay nako. tapos ayun nga, yung session.
tama na ulit.
---
busy sa theatre arts
friday hanggang sunday may practice kami, tas parati pang gabi natatapos. hhay. pero enjoy naman kasi nagkaron kami ng friends na third years. kahit papano meron pa palang matino sa kanila. hehe. ay! si mica! nako mahal na mahal ko yung batang yun. nakakatuwa sya sobra tapos ang bait nya sa amin. di namin inakala ni lorie na magiging friends kami nun.. pero im really thankful for the friendship we have now. ^_^
saturday, nalaman kong nalaman ni kamil ang isang bagay na hindi nya dapat alam. but i let it pass since nagusap na din naman kami ni yupems sa phone. [11 ng gabi hanggang 4 ng umaga! o diba, toto bonding! ^^]
sunday, general rehearsal. grabe. tapos nagkaron ng goddess emergency kaya nagkitakita kami sa coffee experience. tapos na-open ulit yung topic na alam ng mga tao na hindi naman dapat nila alam kasi wala sila nung nangyari. nagexplode ako. muntik pa nga kami mag-away ni kamil eh. pero naayos naman. klinaro ko na din ang mga bagay bagay sa taong connected. hehe. so ayun
---
SET presents :"God"
06 march 2006
ayun. dun namin nafeel na talagang theatre arts kami. makeup dito. makeup dun. kulot dito, plantsa dun. grabe, kapagod. pero may free fooood! ^_^ saya! pero grabe. nun ko lang nafeel yung sobrang nalulusaw yung heart ko kasi natatawa yung audience at nagrereact sila sa play namin. grabe talaga yun. everytime tatawa sila, maghuhug kami ni lorie sa sobrang saya. hhay. iba talaga yung joy na nafeel ko nun. tapos nakita ko pa si "terri fletcher" na tumatawa, kaya sobrang fulfilling talaga. hehe.
kaso. yung mga sobrang mapagmahal at ever supportive kong mga pamilya, na manonood daw, hindi dumating. grabe. nakakatouch. naiiyak talaga ako nun kasi wala kahit isa man lang sa kanila. fuck. tapos wala man lang nagttxt para itanong kung paano ako uuwi, kahit past 8 na nun. kung hindi pa ako magttxt na "tapos na po kami" baka hindi p nila marealize na may play nga pala at gagabihin ako. pero putek pag ibang araw, umuwi ka lang nga 7 todo issue agad. goodness.pero mali din siguro na nagexpect pa akong may pupunta sa kanila.whatever. kaya siguro gusto ko na din humiwalay sa kanilang lahat kasi para pag magisa ako, at least i know na magisa na ako. i wont expect them to be there for me anymore kasi nga im on my own. alam mu yun..yung at least hindi ka na maghahanap ng "family" kasi nga hindi mo naman sila kasama.
---
ngayon
ayoko muna magkaron ng totoong gusto. gusto ko muna sana na wala muna. kaso nakakainis kasi halos lahat ng mga bagay nako-connect ko kay "terri". magosh. ang kulit kasi ng utak ko e. parang chain talga. tapos parng sa bawat dulo nung chain, sa kanya papunta. peste. hhay. ayoko muna talaga.
help.
---
i need some time for a while before i give my heart away
again
to anyone
not yet.

written on every page of my imagination

& PROFILE

I'm trusting. Sue me.

Before I grew up I saw you on a cloud I could bless myself in your name and patch you on my wings "Life is hard and so is love, child, believe in all these things"

& CHANNELS OF LOVE

Phimie
Janica
Kayla
Kamille
Cynthia
Kai
Gret
Aljon

& ARCHIVES

August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
May 2007


& ARTICULATE



& CREDITS

this layout was done by jeanette. Fonts were from dafont and image from threadless. pls do not take out the credits. (: