<body> <body>

Sunday, March 19, 2006 @12:56 AM

happy birthday val! ^_^
---

dahil blog ko naman ito at walang pwedeng makialam kung anung ilalagay ko dito, i'll write what i want to. haha.

sa ngayon, masaya naman ako. haha. grabe, nung thursday at friday, sobrang sasayang araw! hhay. grabe. ^_^

malapit na graduation kaya todo bonding kami ng mga sobrang mahal kong kaibigan. lahat ng pwedeng gawin para lang magsamasama kami, ginagawa namin. hhay. twing napagusapan talaga yung end ng high school, nanghihina ako. wala akong masabi talaga.. pero ang gusto ko lang talaga itodo lahat ng natitirang moment. =) hhay.

speaking of moment, ang saya talaga nung ultimate moment ko this week! ^_^ hhay nakakalusaw. ok, hindi naman siguro masyado kasi alam kong wala lang yun dun sa tao, pero nakakatouch talaga eh ^_^ . well, kaya nya siguro yun ginawa kasi nga maaga pa nman at hindi nga daw sya sanay na umuwi ng maaga. haha. whatev. basta, nakakatuwa eh. ^_^ hhay. hindi ko talaga inaasahan yun kasi it's not like him. pero, yeah, mabait sya and all, pero hindi naman kasi normal na ginawa nya yun para sa akin eh. that's what made it super kilig.^_^
hhaaaay. tapos, isang araw kinuha nya kamay ko tas todo hinawakan nya with both of his hands at nilapit nya pa sa muka nya!! gooosshh!!! hhay grabe! hindi ko to kinakaya!!! ^_^ hhay ewan.

ayoko lang ng masyadong iniisip kasi nga.. ayoko magisip at ayoko maapektuhan.

please send me anything but signals that are mixed.

^_^

kanina, i watched the eternal sunshine of the spotless minds. grabe, naalala ko si sir armamento! =) kinwento nya na kasi yun nung third year eh. nakakamiss. pati si miss erpelo nakakamiss na din sobra.. anyway, there was this scene that really got my attention because it sort of was about the end of stuff. and i related it to what we are all feeling right now that we only have a few days left before quesci life's over.

"this is it. it's gonna be gone soon. what do we do?" -Clementine

"ENJOY it." -Joel

ayan. and i thought, that's what i should do. i-enjoy na lang lahat ng pwedeng ienjoy. =)

--
kahapon nga pala yung celebration ng birthday ni timo. ang saya. =) nagluto sila ng spaghetti at gumawa sila [ timo, alfredo, airon, fidel] ng salad. ang cute no? mga boys pero they know how to cook. =) tapos i fried the chicken. ang saya talaga. kumain kami ng madaming hilaw na mangga kasi may mango tree sa backyard nila timo. may duyan pa nga eh. syempre nagduyan ako. haha. tapos meron pa dun yung parang cannon thing..basta si timo lang gumawa nun eh. tapos ang saya kasi i got to fire it, and i felt so strong kasi it made this super loud sound. haha. tapos nilagyan pa namin ng maliliit na mangga yun para may scatter shot. haha ^_^ tapos tinry pa namin tamaan yung can, kaso hindi namin kinaya eh. pero oh well. enjoy parin. =) tapos nagpiko pa kami ni jnine.. basta ang dami dami naming ginawa at sobrang saya ng araw. syempre hindi din mawawala yung dota.^_^ grabe, pag naaalala ko yung mga nangyari kahapon, sobrang nasisiyahan ako. ang saya talaga eh. at nilalagnat pa ko nun ah! haha ^_^

pero, nung umalis ako, sobrang bitin talaga yung feeling. ang aga kasi eh. mga 4:30 pa lang umuwi na ako. akala ko kasi papagalitan na ako eh. eh hindi naman pala. syang talaga. kung nagstay pa sana ako, baka ano. haha! ^_^ hehe

hhay. thank goodness naman at magaling na ako ngayon. sana magaling na din sila jnine at lorie.. ang weird nga kasi pare-pareho yung nangyari sa aming tatlo eh. una, sumakit lalamunan namin, tas nilagnat, tapos inubo. weird. pero at least mas ok na kami ngayon.

namimiss ko na pala inay ko [si jed]. kasi medyo hindi sya masyado pumasok last week, tapos hindi pa namin sya masyado nakasama kahapon. tapos ung dota, andun pa sya sa lumang tronics eh kami nasa bagong tronics. hhay. parang ang tamlay nga ng inay ko kahapon eh.. hhay.

ai, speaking of tronics, ang BULOK nung mga computer! todo lag! my goodness!!!! nung thursday nga naiyak pa ako kasi sobrang tagal na namin dun, hindi kami makapagsimula at sobrang ilang ulit na at sooobraang nakakafrustrate na. pero eventually nakapaglaro na din kami. ayun, masaya na ulit. ang cute ng team namin eh. si airon, aljon, pimi, at ako.^_^ kasi pag sinabi gitna lahat, lahat talaga. makikita mo sa map yung blue dots papunta sa iisang direction. ^_^ ang cute talaga. ^_^ kaso minsan lang nakakahiya kasi bano ako, at pag nakikita ko ako yung pinaka madaming na-contribute na deaths. haha. buti na lang my teammates are sooo nice, hindi nila pinapafeel sa akin. sasabihin lang nila, "ano ka ba niki, ayus lang yan" o kaya, "anu ka ba niki, hindi kaya." haha. thank goodness for dota. ^_^

--
ang saya ng buhay. pero mas sasaya buhay ko pag nagkaron na ako ng saxophone at natuto tumugtog.=) hopefully magawa ko bago ako mamatay. haha! ^_^


i'm loooooving my freakin life.


written on every page of my imagination

& PROFILE

I'm trusting. Sue me.

Before I grew up I saw you on a cloud I could bless myself in your name and patch you on my wings "Life is hard and so is love, child, believe in all these things"

& CHANNELS OF LOVE

Phimie
Janica
Kayla
Kamille
Cynthia
Kai
Gret
Aljon

& ARCHIVES

August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
May 2007


& ARTICULATE



& CREDITS

this layout was done by jeanette. Fonts were from dafont and image from threadless. pls do not take out the credits. (: