Thursday, March 09, 2006 @1:32 AM
kaya nobela ang naisip kong title nito kasi.. madami na ang nangyari na hindi ko nakkwento. hehe.
anyway.
---
PROM 24 february 2006
FANGET!!!!!!!! ampapanget ng songs, ng food,at hindi ko talaga matanggap, ampanget nung baso namin! magosh! as in yung regular na glass lang. ampanget talaga. tapos tinanong ko yung waiter person, sabi ko "bakit po wala kami nung magandang glass?" sabi nya, " naubusan eh." wow. faaart talaga yun. nakakainiis!!! tapos todo excited pa ako magdinner nun kasi ang sarap ng pagkain nung prom namin last year, kaya syempre nagexpect ako ng ganun din. kaso hindi eh. the freakin food was soooo far from those that we had last year. shucks. napaka ordinaryo, my goodness! chicken, spareribs, fish fillet,a potato salad. lasang sabon pa yung iced tea tapos naubusan pa ng yelo!! akalain mo??! anak ng tokwa, mas masarap pa pagkain dito sa bahay! grabe talaga. eto pa. later nung gabi, naglabas ng spaghetti. dapat hindi na ako kakain kaso gutom nga ako dahil hindi ko natapos dinner ko kasi nga amPANGET nung pagkain. tapos naisip ko pa, baka ma-redeem nila sarili nila dahil baka nga naman spaghetti or whatever pasta ang kanilang specialty [or baka yun lang talaga ang alam nila lutuin ng matino]. pero hindi parin eh. GRABE. lasang ketchup na ewan. magosh tlgaaaa... tapos eto. cueshe??!!! UTANG NA LOOB!!!!!!!! todo ruin na yung gabi ko.
well buti na lang ang gwapo nung taong niwish kong maging gwapo. hehe. grabe, hanggang ngayon nata-take my breath away parin ako pag naaalala ko itsura nung tao na yun! hhhay. ^_^ hhhaaay.
---
nung week ng prefinals
hay nako. grabe yun! first day ng prefinals, lumabas result ng UPCAT. syempre todo excited na kami makaalis para magpuntang UP. at magdota syempre. hehe. pero UP muna. aun. may mga umiyak, madaming nagulat. basta.
second day. nako. tumalon heart ko dun ah. ang saya nitong araw na to eh. hhay. unang session sa bahay nila yupemini. nako. nalulusaw ako pag naaalala ko eh. haha. grabe talaga. kung anuano nabuking sa mga tao..at sa pagkaka-alala ko,ako ata nagumpisa nun e. haha. pero nagshut up naman ako nung nafeel kong dpat na ko manahimik eh. tapos, ayun. nako. tumatalon talaga heart ko pag naaalala ko! goodness!
tama na nga.
third day. second session kila yupemini ulit. una, nanood kami ng movies. yung una yung road to perdition. nakkaiyak. ang sakit sa heart nung movie na yun.. tapos nun yung white noise. nakakainis nga sila nun kasi ginugulat pa nila ako.hay nako. tapos ayun nga, yung session.
tama na ulit.
---
busy sa theatre arts
friday hanggang sunday may practice kami, tas parati pang gabi natatapos. hhay. pero enjoy naman kasi nagkaron kami ng friends na third years. kahit papano meron pa palang matino sa kanila. hehe. ay! si mica! nako mahal na mahal ko yung batang yun. nakakatuwa sya sobra tapos ang bait nya sa amin. di namin inakala ni lorie na magiging friends kami nun.. pero im really thankful for the friendship we have now. ^_^
saturday, nalaman kong nalaman ni kamil ang isang bagay na hindi nya dapat alam. but i let it pass since nagusap na din naman kami ni yupems sa phone. [11 ng gabi hanggang 4 ng umaga! o diba, toto bonding! ^^]
sunday, general rehearsal. grabe. tapos nagkaron ng goddess emergency kaya nagkitakita kami sa coffee experience. tapos na-open ulit yung topic na alam ng mga tao na hindi naman dapat nila alam kasi wala sila nung nangyari. nagexplode ako. muntik pa nga kami mag-away ni kamil eh. pero naayos naman. klinaro ko na din ang mga bagay bagay sa taong connected. hehe. so ayun
---
SET presents :"God"
06 march 2006
ayun. dun namin nafeel na talagang theatre arts kami. makeup dito. makeup dun. kulot dito, plantsa dun. grabe, kapagod. pero may free fooood! ^_^ saya! pero grabe. nun ko lang nafeel yung sobrang nalulusaw yung heart ko kasi natatawa yung audience at nagrereact sila sa play namin. grabe talaga yun. everytime tatawa sila, maghuhug kami ni lorie sa sobrang saya. hhay. iba talaga yung joy na nafeel ko nun. tapos nakita ko pa si "terri fletcher" na tumatawa, kaya sobrang fulfilling talaga. hehe.
kaso. yung mga sobrang mapagmahal at ever supportive kong mga pamilya, na manonood daw, hindi dumating. grabe. nakakatouch. naiiyak talaga ako nun kasi wala kahit isa man lang sa kanila. fuck. tapos wala man lang nagttxt para itanong kung paano ako uuwi, kahit past 8 na nun. kung hindi pa ako magttxt na "tapos na po kami" baka hindi p nila marealize na may play nga pala at gagabihin ako. pero putek pag ibang araw, umuwi ka lang nga 7 todo issue agad. goodness.pero mali din siguro na nagexpect pa akong may pupunta sa kanila.whatever. kaya siguro gusto ko na din humiwalay sa kanilang lahat kasi para pag magisa ako, at least i know na magisa na ako. i wont expect them to be there for me anymore kasi nga im on my own. alam mu yun..yung at least hindi ka na maghahanap ng "family" kasi nga hindi mo naman sila kasama.
---
ngayon
ayoko muna magkaron ng totoong gusto. gusto ko muna sana na wala muna. kaso nakakainis kasi halos lahat ng mga bagay nako-connect ko kay "terri". magosh. ang kulit kasi ng utak ko e. parang chain talga. tapos parng sa bawat dulo nung chain, sa kanya papunta. peste. hhay. ayoko muna talaga.
help.
---
i need some time for a while before i give my heart away
again
to anyone
not yet.